Blog #003: Korean Palace with Sisterette


Omo, annyeonghaseyo~! Bap meogeosseoyo?

Hindi talaga maipagkakaila na napapahilig na tayong mga Pinoy sa kahit anong may kinalaman sa bansang South Korea— be it the language, the people (idols and actors), music, fashion, cosmetics, food, the country itself, etc. 
Well, I am not an exception there.
Practically living in Baguio for almost a year, marami akong na-discover na mga kainan. Yes, food trip is life. At isa nga sa mga paborito ko ay ang Korean restaurants.
When my ate came with me to Baguio, hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon (na makalibre sa food trip 😅) at isinama ko siya sa pamosong Kung Jeon Korean Palace. Going here, you can just ride a taxi.


Perfect ang timing namin dahil wala pang masiyadong tao noong bandang alas-singko at malaya kaming nakapamili ng mauupuan. When night came, mas naramdaman namin ang ganda ng ambience.


Medyo malawak din ang loob ng “Korean Palace.” Nasa pintuan sasalubong sa inyo ang mag-asawang Koreano at babati. The picture above is just the space that that you will primarily see when you enter the place, ngunit mayroon pang ibang lugar ng kainan sa bandang kanan ng larawan. Sa kaliwa naman ay may makikitang hagdan paakyat. Hindi na kami umakyat ni Ate.


I let Ate Maan chose what foods are we going to fill our stomach. Sa mga barbecue house na tulad nito ay sanay na siya, since aniya, nang nasa Taiwan siya ay maraming ganito.
Sakto lang ang dami ng pamimilian putahe (I don’t think they have noodles and Korean chicken, ha, more on barbecue lang) pero ayos lang dahil kapag natikman mo lahat, solve ka na at feel mo ay kamukha mo na si Kim Bok Joo.
Nakakatuwa ang mga cold cuts, condiments, at side dishes nila dahil ang iba ay hindi mo pangkaraniwang makikita sa mga Korean restaurant na ala carte lamang dito sa Pilipinas.
The price of eat-all-you-can here in Kung Jeon Korean Palace is Php 399 per person. Sulit, I must say, dahil kung sa isang Korean restaurant na hindi eat-all-you-can ay ganito lang din ang gastos mong aabutin, partida at ‘di ka pa busog.


Kahit saang restaurant na may kailangang iluto o i-grill, si Ate ang Master Chef at ako ang Master Eater. But, did you know that in Korean Eating Etiquette, dapat ang matanda o nakakatanda ang nauunang kumain? Hehe, so don’t be like me.


Plano ni Ate pumuntang Night Market kaya nag-ipon na ako ng energy. Umuulan pa, so, palakasan ng resistensiya talaga.


There’s also ice cream inside, but they’re not really part of the “eat-all-you-can.” I don’t know. Sa case kasi ni Ate, kumuha siya ng Greek yoghurt ice cream and she paid only Php 2.00! How? ‘Cause when she gave Php 800.00, hindi na kami sinuklian pero hindi na pinabayaran ‘yong ice cream kahit nasa receipt.


Just in case you want to see even the inside of their comfort room, here (above). 😂


After filling our tummies with food, syempre, sinagad na namin ang kaartehan. We went outside because the Korean hanboks are outside. It’s free to wear (of course, just inside the restaurant’s place). Sa labas ay dumarami na rin ang tao. This is just in front of the “Korean Palace,” right side when you enter.


Tada! Here are the costumes! As you can see, it’s all available for all genders and ages. After kumain ng pamilya, pwedeng pumicture after pa! Actually, you can wear these even while eating. Oh, ‘di ba? Feel na feel.


May isang malaking barkada kaming sinundan ni Ate kaya pinatapos muna namin silang mag-photoshoot bago kami. We both love dressing up, so, yeah.

Here’s my ate in pink. Niloloko ko nga siya, ang lakas maka-(groomless) bride ng look.


And here’s me in midnight blue (close to black) hanbok. Para naman daw akong nagluluksa. Anyway, I loved it!


We took some few more shots before putting off our hanboks.
All in all, it was a good experience. Sulit na sa food at sa ambience, sulit pa sa kaartehan na dala ng costumes.
For those K-fans who are still ipon-ing for their Korean dreams, here’s a cheaper alternative for you. Kamsahamnida for reading~! Jal gayo! 🇰🇷
(Kung Jeon Korean Palace, #38 South Drive, Baguio City)
—Xoxo, OMG 
(P.S. This is not a sponsored post. All photos are mine.)

One thought on “Blog #003: Korean Palace with Sisterette

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s