Blog #001: Tara, Isdaan Talavera!


It was a fine afternoon— hindi maaraw pero hindi rin umuulan, puro ulap lang ang nasa kalangitan. Talk about a perfect day for galaan.

My Ate and I tried Isdaan (Floating Resto-Fun Park) in Talavera. Family fave namin ang Crispy Pata, so everytime na magkaayaan, Isdaan Tarlac ang puntahan. Ang kaso, laging jam-packed do’n at pila talaga kung pila. Lucky us, Isdaan na ang lumapit at ngayon nga’y nasa Nueva Ecija na ito.

Hindi ko na namalayan ang eksaktong travel time namin mula Cabanatuan hanggang Talavera dahil nakakaaliw ang dami ng bagong makikita habang papunta ro’n (like Walter Mart, Daiso, etc.) pero siguro mga isang oras din ‘yon (minus the traffic when you arrive at the town proper). Biyaheng San Jose ang sinakyan namin.


What will welcome you in Isdaan Talavera are these red giant Buddha heads (above). Ang theme nila ay mala-Thailand at harap pa lang, Instagram-worthy na.


Kaunti pa lang ang tao nang pumunta kami. That’s a good thing because like what I’ve said, nakakasawa nang pumila tulad ng sa Tarlac. Siguro dahil may pasok kaya wala masyadong tao.


Okay, excuse my ate’s face, but when you finally go inside Isdaan, you’ll see these cutie patootie Thailander statues greet you Sawadee.



Huge buddhas are present inside, too, and this one (above) is the first thing you’ll probably notice when you pass the entrance. Damn, guuurl. Entrance pa lang, solve na Insta mo, ‘di ba?


We were welcomed by a staff and led us to The Singing Cooks & Waiters atbp. Too bad, I didn’t manage to take any picture inside (sor’na gutom lang, haha) pero parang normal lang naman sa loob maliban sa may mga kumakanta nang live, siyempre, na tatak na ng Isdaan.

Kaunti lang din ang tao pagpasok namin. We, then, ordered and here are some snapshots of their menu:

Ang average price ng mga putahe ay 500 pesos at good for four na iyon. Dalawa lang kami ni Ate pero tatlong set ng ulam ang binili namin, ‘yong family favorites na laging ino-order ng aming beloved Mama (Crispy Pata, Kare-kare, at Sinigang).


Pero bago dumating ang mga pagkain, may pa-appetizer silang mangga. Pinoy na Pinoy. Kaso, one word: MAASIM. Haha.

May mga naka-Sáya rin palang waitresses at mga live na nanghaharana sa background. You can give a tip to them (singers).


When food came, away-away muna. Walang kupas ang kanilang Crispy Pata— malambot at malinamnam. You should not miss it, along with the Kare-kare, when you go to any Isdaan branch (Laguna, Tarlac or Nueva Ecija). Very Pinoy ang presentation at hindi kami naghintay nang matagal (dahil na rin kaunti lang ang tao). Lively at friendly din ang mga waiters and waitresses.

Funny part here: one cup of rice lang ang in-order naming magkapatid sa rami ng ulam. Diet kuno pa more. 😂


Did I already mention that Isdaan is also famous for their floating kubos where you can dine in free of charge? Then, if not, now I did.

Pagkakain, sugod agad sa photoshoot. Hindi namin naubos ang mga in-order namin (siyempre) kaya pinabalot na lang namin for take out.

By the way, I saw mini bicycles at a corner. Pwede itong gamitin ng mga bata habang naglilibot o nag-uusap-usap ang matatanda. Oobligahin lamang silang magsuot ng life vest upang masiguro ang kaligtasan dahil nga sa katubigang nakapalibot dito.

Unang-unang makikita mo mula sa The Singing Cooks & Waiters atbp. ay ang San Kilo Bridge. Patok ‘to dahil kailangan mo lang tumawid sa tulay na tinutukoy nila na tubig ang magkabilang gilid at sa dulo ay may mapapanalunan kang isang kilong isdang maaari mong ipaluto!


You’ll see, too, big animal figures that represents Chinese zodiac animals. Oh, ‘di ba? Nalibot mo na ang Asya.


I also found the Three Wise Monkeys: see no evil, hear no evil, speak no evil. In Isdaan Tarlac, they have huge ones of these statues. It’s my personal fave, actually, because because. 🙈🙉🙊


Maliban sa napakaraming Buddha, unggoy, at iba pang hayop ang makikita mo sa loob, present din ang mga sekyu ng Isdaan na signature na rin nila. They’re statues of security guards in different (real life) poses— may natutulog, may naninigarilyo, etc. Aliw lang.


At siyempre, ‘wag niyong kakalimutan ang infamous wall ng Tacsiapo na puntahan ng mga may hinanakit sa buhay. *Kumuha ng babasagin at ibinato sa pader* We were just sad ’cause it’s closed when we visited.

Every corner of Isdaan Talavera is totally Instagram-friendy. What I mean is, hindi mapapahinga ang camera mo sa rami ng pwedeng makita rito.
Here are some more of our photos taken in Isdaan Talavera:






Hindi pa tapos ang ilang bahagi ng Isdaan Talavera (as of July 20, 2017), but still, it was a good experience (with good food) for us.

So, tara na, Isdaan Talavera!

(Talavera Isdaan Floating Resto-Fun Park, Talavera, Nueva Ecija)

—Xoxo, OMG

(P.S. This is not a sponsored post. Photos are all mine.)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s